77% ng mga Pinoy, walag ipon o bank account - BSP
Manila, Philippines – Walang bank account o naipong salapi ang nasa 77 porsyento ng mga Filipino sa bansa, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2017.
Upang matuto ang isang indibidwal na makapag-impok ay itinatag ang National Strategy for Financial Inclusion o NSF upang matulungan na itaas ang kaalaman ng publiko at maturuan hinggil sa financial literacy o kung paano makapag-ipon, makatitipid para sa kinabukasan.
Ito ay dahil 52 porsiyento naman ng populasyon ang kulang sa kaalaman kung paano nila ilalaan ang bahagi ng kinita sa pag-iipon.
Kaugnay nito ay hinikayat ang industry players gaya ng Home Credit Philippines upang makabahagi sa pagsusulong ng financial education, at isa sa mga unang campaign nito ay ang “Juan, Two, Three noong 2016.
Sinabi naman ni Franchette Cardona, chief marketing and product officer ng Home Credit Philippines sa Kapihan sa Manila Bay na sa ilalim ng nasabing kampanya ay tuturuan ang mga komunidad sa buong bansa hinggil sa tamang pag-iimpok at pagba-budget ng salapi.
Natuklasan din ng BSP na 21 porsyento ng 52.8 milyong adults ay walang bank account dahil sa kakulangan ng pangangailangan sa salapi at kawalan ng kaalaman
Tiniyak ng HCPh na sa pakikipag-partnership sa Department of Education, Department of Social Welfare and Development (DSWD), gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFWs ay tuluy-tuloy ang kanilang pagbisita at pagbibigay ng lecture sa mga kabataan, magsasaka, mga guro at mga estudyante upang mabigyan ng guidance kung paano makaipon.
Sinabi naman ni Rochelle Torres ng BSP, sa pagkuha ng home credit marapat lamang na basahin at alaming mabuti ang mga terms and conditions ng home credit upang hindi maharap sa anumang problema pagdating ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Full story on Remate.

Comments
Post a Comment