PAGKAIN NG NAKA-KAMAY, MARAMING BENEFITS, KABILANG NA ANG WEIGHT LOSS.
Hindi maipagkakaila na marami pa din sa ating mga Pilipino ang mas gusto kumain ng nag-kakamay. Maliban sa minana pa natin ang paraang ito sa ating mga ninuno, may mga pagkain talaga na mas masarap lantakan kung kakamayin. Pero alam nyo ba na may mas malupit pang benefits ang pagkain na kamay? Ayon sa isang pagaaral na ipinublish sa Journal of Clinical Nutrition, napagalaman na ang mga taong may type 2 diabetes ay yung mga mabibilis kumain at gumagamit ng kutsara/tinidor kapag kumakain, kumpara sa mga taong walang diabetes. Kung napapansin mong napapabilis na ang iyong pagkain, subukang alising ang mga kubyertos at mag focus lamang sa pagkain. Subukang kumain ng mabagal at pansinin mo ang magiging pakiramdam pagkatapos kumain ng naka-kamay. Siguradong matutuwa ka kung gaano kabilis mabubusog ng hindi kumakain ng marami gamit ang iyong kamay. At sa paglaon, mapapansing ang iyong timbang ay unti unti ng bumababa. Pero siguraduhing na-trim ng maayos at malinis ang mga kuko bago ito gawin....