Bakit pa sa karagatan nangingisda ang mga mangingisda natin? - VP Leni Robredo




"Ang ating bansa ang napapaligiran ng tubig. Bakit pa sa karagatan nangingisda ang mga mangingisda natin kung saan mapanganib?" ani VP Leni Robredo.


Pahayag ni VP Robredo, mapanganib ang mangisda sa karagatan lalo na sa lugar na may territorial dispute katulad ng West Philippine Sea. Ayon sa Bise Presidente, marami namang dagat ang Pilipinas na hitik din sa mga isda.

Kamakailan, iniligtas ng Vietnamese boat ang 22 Pilipinong mangingisdang palutang-lutang sa dagat matapos banggain ng Chinese vessel ang bangkang pangisda nito sa Recto Bank.

Ayon kay Ngo Van Theng, ang kanyang TGTG-90983-TS fishing boat ay naka-angkla rin sa Recto Bank nang magising ang kanyang mga kasama sa boses ng mga dayuhan.

Ang kapitan ng kanilang barko na si Nguyen Thanh Tam ay gumamit ng flashlight para kilalanin ang mga dayuhan at nakita ang dalawang maliliit na bangka na palapit sa kanilang barko.

Lulan ng mga bangka ang mga Pilipinong mangingisda na gumamit ng hand signals para makapag-communicate sa kanila.

Akala pa ng kapitan ng barko na pirata ang mga mangingisda, pero napansin niyang basa ang mga ito at nanginginig sa sobrang lamig.

Sumenyas ang mga Pilipino na pumunta sa itinuturo nilang direksyon sa Recto Bank matapos silang isakay sa kanilang barko.

Matapos ang isang oras na biyahe, natagpuan nila ang 20 Pilipinong nakasuot ng life jackets at nakahawak sa mga lumulutang na plastic at kahoy mula sa lumubog na F/B Gem-Ver 1.

10 Vietnamese fishermen ang tumulong para sagipin ang mga Pilipino at isakay sa kanilang barko.

Humiram ang mga Pilipino ng radyo mula sa mga Vietnamese at ginamit ito para makausap ang iba pang Pilipinong mangingisda sa lugar.

Dito na inilipat ang mga nailigtas na mangingisda sa A/G Thanksgiving.

Comments

Popular posts from this blog

Some Lawmakers Want To Suspend Manila Bay Rehabilitation