77% ng mga Pinoy, walag ipon o bank account - BSP
Manila, Philippines – Walang bank account o naipong salapi ang nasa 77 porsyento ng mga Filipino sa bansa, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2017. Upang matuto ang isang indibidwal na makapag-impok ay itinatag ang National Strategy for Financial Inclusion o NSF upang matulungan na itaas ang kaalaman ng publiko at maturuan hinggil sa financial literacy o kung paano makapag-ipon, makatitipid para sa kinabukasan. Ito ay dahil 52 porsiyento naman ng populasyon ang kulang sa kaalaman kung paano nila ilalaan ang bahagi ng kinita sa pag-iipon. Kaugnay nito ay hinikayat ang industry players gaya ng Home Credit Philippines upang makabahagi sa pagsusulong ng financial education, at isa sa mga unang campaign nito ay ang “Juan, Two, Three noong 2016. Sinabi naman ni Franchette Cardona, chief marketing and product officer ng Home Credit Philippines sa Kapihan sa Manila Bay na sa ilalim ng nasabing kampanya a...