VIRAL: Chinese Group, Namimigay ng LIBRENG masks sa mga Pinoy
Sa kabila ng kaliwa't kanang deskriminasyon na nararanasan ng mga chinese ngayon dahil sa pagkalat ng 2019nCoV o mas kilala bilang coronavirus na nagmula sa kanilang bansa, ay nagpakita pa din ng gawang mabuti ang mga ito sa ating mga kapwa Pilipino. Namataan ng isang netizen na si Cindy Arcangeles at kinunan nya ng pictures ang pagtulong ng isang grupo ng mga Chinese sa isang lugar sa Manila. Ito ay ipinost nya sa kanyang Facebook at nagviral. Hindi alintana ng mga nasabing Chinese ang mga paninisi at diskriminasyon na kanilang nararanasan ngayon. Bagkus ay gumawa na lamang sila ng kawang-gawa na talaga namang nakakaantig sa puso nating mga Pilipino. Sa patuloy na paglaganap ng coronavirus sa mundo, mas makakabuti kung magtulungan na lamang tayo sa halip na maghanap ng sisi at manghusga. Ito ang actual post ni Cindy: “Kahit binubully at binabash nyo sla tumutulong parin sila in their own ways. Let’s all have unity, wag po tayong maging mapride ...